^
25,357 parak na-promote
Sinabi ni Sinas na ang 25,357 naitaas ng ranggong mga opisyal at tauhan ng PNP ay nakapasa sa standards sa kuwalipikasyon para sa 2020 Continuous and Regular Promotion Program na epektibo noong Disyembre 16 at Disyembre 29 ng nakalipas na taon.
The STAR/Edd Gumban, file

25,357 parak na-promote

Joy Cantos (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni PNP chief P/Gen. Debold Sinas na nasa 25,357 pulis ang nabiyayaan ng promosyon mula sa 17 Police Regional Offices (PROs) sa buong bansa.

Ang mga na-promote ay kinabibilangan ng 2,151 Police Commissioned Officers (PCO) at 23,386 na Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).

Sinabi ni Sinas na ang 25,357 naitaas ng ranggong mga opisyal at tauhan ng PNP ay nakapasa sa standards sa kuwalipikasyon para sa 2020 Continuous and Regular Promotion Program na epektibo noong Disyembre 16 at Disyembre 29 ng nakalipas na taon.

Sa Camp Crame, personal na pinangunahan ni Sinas ang paggawad ng promosyon sa 331 PNP personnel na nakabase sa national headquarters sa ginanap na “donning of ranks” at panunumpa ng naturang mga pulis.

Nabatid na nagkaroon din ng donning of rank at oath taking ceremonies sa mga rehiyon para sa opisyal na promosyon ng masusuwerteng mga pulis.

Hinikayat ni Sinas ang mga bagong promote na PNP officers na magtrabaho ng tapat at may dedikasyon sa serbisyo para sa bayan.

Magugunita na noong Huwebes ay pinangunahan din ni Sinas ang ‘donning of ranks’ sa mga bagong promote na 15 heneral sa PNP na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitaas ng ranggo.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with