^

Police Metro

Volunteers sa clinical trials, ‘wag matakot — DOST

Ludy Bermudo - Pang-masa
Volunteers sa clinical trials, �wag matakot � DOST
Sa isang panayam, sinabi ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive director Jaime Montoya na bukod sa dumaan ito sa Phase 1 at Phase 2 clinical trials sa ibang bansa ay sagot ng World Health Organization (WHO) ang anumang mararanasang masamang epekto kung sakali.

Masamang epekto, sagot ng WHO

MANILA, Philippines — Binighyang-diin ng isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) na hindi dapat matakot ang mga taong magboboluntaryo o lalahok sa isasagawang solidarity trial sa COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive director Jaime Montoya na bukod sa dumaan ito sa Phase 1 at Phase 2 clinical trials  sa ibang bansa ay sagot  ng World Health Organization (WHO)  ang anumang mararanasang masamang epekto kung sakali.

Ayon kay Montoya, ang gagamitin ng WHO sa solidarity trial ay ang COVID-19 vaccines na dumaan na sa Phase 1 at Phase 2.

 “Kung may mangyari, minor or major, ito ay sasagutin ng WHO. Tutulungan ng WHO. Merong inalaang pondo para magamit sa mga volunteer,” pahayag ni Montoya.

 Kailangan din aniyang, maipaliwanag sa mga magbo-volunteer sa nasabing trial ang detalye ng bakuna.

 Target sa nasabing trials ang 15,000 volun­teers na nasa edad na 18-59 na isasagawa sa Metro Manila sa hu­ling mga araw ng Enero o mga unang linggo ng Pebrero. Gayunman, hindi pa tinutukoy ang brand ng gagamiting COVID-19 vaccines.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with