^

24/7 na bakunahan tiniyak ni Galvez

Gemma Garcia (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng 24/7 ang gagawing pagbabakuna ng pamahalaan sa sandaling dumating sa bansa ang COVID-19  vaccine.

Ito ang tiniyak ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa vaccine program ng gobyerno.

Ayon kay Galvez, tinitingnan nila ang posibilidad na magbakuna sa loob ng 24 oras, sa loob ng 7 araw.

Paliwanag pa ng vaccine czar, ang nakikita nilang capacity kapag nakapagbakuna sila ng humigit kumulang na 50 milyon ay kailangang 15,000 kada araw ang mabakunahan.

Sinabi pa ni Galvez na tatapusin nila ang pag-validate ng master’s list ng mga prayoridad sa bakuna sa Enero 30 gayundin ang resources na gagamitin dito.

Inaasahan naman na makakakuha ang bansa ng 148 doses ng bakuna laban sa virus mula sa pitong iba’t ibang manufacturers.

Habang tinatayang 50,000 Filipino ang inaasahang makakatanggap ng bakuna sa Pebrero.

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with