^

3 sinalvage sa Bulacan

Omar Padilla (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang dalawang babae at isang lalaki na pawang nakaposas sa gilid ng kalsada sa Plaridel Bypass Road, Brgy Malamig, Bustos, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Maj. Jude Bryan Maguddayao, hepe ng Bustos police, na posibleng biktima ng salvage ang tatlo na pawang tadtad ng tama bala sa katawan.

Inilarawan ang unang biktimang babae na nasa pagitan ng edad 20-25-ayos, may taas na 5’2 at nakasuot ng white stripe shirt at berdeng pantalon.

Ang ikalawang biktimang babae ay nasa pagitan ng 40-45-anyos, 5’4 ang taas at nakasuot ng purple printed shirt at itim na leggings, habang ang biktimang lalaki naman ay nasa pagitan ng 30-34-anyos, may taas na 5’2 at nakasuot ng maroon at yellow shirt at puting maong pants.

Sa ulat, alas-6:10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.

Sa nakalap na CCTV footage ay nakita ang isang van  na huminto sa lugar at itinapon ang bangkay ng mga biktima.

SALVAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with