^

9 Jolo cops pinapaaresto na

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapaaresto na ang 9 na pulis na pangunahing suspek sa pag-ambush at pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong nakalipas na Hun­yo matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sulu Regional Trial Court (RTC).

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Justice (DOJ)-Office of the Prosecutor General, Pro­secution Attorney Honey Delgado na nangangahulugan na maaari nang tugisin ang siyam na pulis na nauna nang pinakawalan ng Philippine Natio­nal Police (PNP) dahil sa pagkakaantala ng arrest warrant.

Ikinatwiran ng DOJ na hindi agad nailabas ang warrant dahil sa hindi makabalik sa kaniyang sala ang huwes na may hawak ng kaso dahil sa ipinatupad na lockdown sa Sulu noong Enero 4 hanggang sa 17 dulot ng COVID-19.

Sinabi pa ni Delgado na isusunod naman ng korte na desisyunan ang kahilingan ng mga prosecutor na magpalabas ng ‘hold departure order (HDO)’ para mapigilang makalabas ng bansa ang mga suspek na kinilalang sina P/Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, P/Master Sgt. Hanie Baddiri, P/Senior Sgts. Iskandar Susulan, Ernisar Sappal at Admudzrin Hadjaruddin, P/Cpl. Sulki Andaki, at Patrolmen Moh Nur Pasani, Alkajal Mandangan at Rajiv Putalan.

Matatandaan na napatay sina Philippine Army Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco, at Corporal Abdal Asula na nagsasagawa umano ng operasyon laban sa mga hinihinalang terorista sa Jolo noong Hunyo 29, 2020. - Doris Franche

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with