Pagpapalawig ng travel ban sa Pinas muling iginiit

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Palawigin pa ng dalawang linggo ang travel ban sa 33 bansa upang mapigilan ang pagpasok ng United Kingdom variant ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni University of the Philippines-OCTA Research Group member Dr. Guido David na hindi pa maaaring ibaba ng pamahalaan ang depensa at hindi dapat balewalain na hindi pa nakakapasok sa bansa ang naturang variant ng virus.

Ang pagkakadiskubre ng naturang variant sa South Africa at Nigeria ay nagpapakita umano ng posibilidad na kumalat na ito sa iba’t ibang bansa.

Sakop ng travel ban ang China, South Korea, United States, Japan, Brazil, Australia, United Kingdom, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, Oman, Austria, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Denmark, Ireland, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Africa, Canada, at Spain.

Nakatakdang matapos ang travel ban sa Enero 15 at inaasahang pag-uusapan ng pamahalaan ang susunod na hakbang.

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with