^

Ex-OFW, tumalon mula sa tuktok ng cell site tower

Victor Martin (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 37-anyos na lalaki na dating  Overseas Filipino Worker matapos tu­malon mula sa inakyat na isang cell site sa bayan ng Benito Soliven, Isabela, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jerome Kervy Mapilisan, residente ng Barangay District 1 sa nabanggit na bayan.

Batay sa salaysay ng mga kaanak sa pulisya, posible umanong depresyon ang naging dahilan kung bakit winakasan ni Mapilisan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa may 20 talampakang cell tower sa kanilang lugar.

Nabasa naman sa iniwan na suicide note ng biktima na may mabigat itong problema.subalit hindi na umano inilarawan ang detalye.

Nakasaad din sa isang text ng biktima na ayaw na rin umano niyang maging pabigat pa sa kanyang mga magulang.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagpapakamatay ng biktima. - Raymund Catindig

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with