NAIA rehab pinaboran ng iba’t ibang grupo

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang makatulong sa pagbangon at muling pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa ay nagpahayag ng malakas na suporta sa agarang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t ibang grupo.

Ayon sa OFW Movement, Philippine Transport Monitor (Philtram) at Kapatirang Isip Malaya (KAISMA) na habang li­mitado pa lamang ang aktibidad sa NAIA dahil sa pandemic ay mas maganda kung masimulan na ang pagsasaayos ng panguna­hing paliparan ng bansa.

Matatandaan na naudlot ang NAIA rehab na dapat sana ay isasagawa ng Megawide Construction Corp. and GMR Infrastructure na siyang umayos at nagpaganda sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ayon kay Philtram president Mario Bautista, malaking ambag sa turismo at sa industriya ng transportasyon kung maisaayos na ang NAIA na dati ay binansagan pang kabilang sa pinakapa­ngit na paliparan sa buong mundo.

Nagpahayag ng pagtataka si Jolly Torejas, KAISMA-Lapu-Lapu City chapter chairman, kung bakit biglang pinigilan ang Megawide sa rehabilitasyon ng NAIA.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with