COVID-19 vaccine trials âdi pa tiyak kung epektib sa mga bata
Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pabor ang DOH sa sinabi ng World Health Organization na kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri sa bakuna sa COVID-19.
AFP/Yaksin Akgul

COVID-19 vaccine trials ‘di pa tiyak kung epektib sa mga bata

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinihintay na ng Department of Health (DOH) ang resulta ng mga isinasagawang mga vaccine trial bago magdesisyon sa pagbabakuna sa mga kabataan kontra COVID-19.

Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pabor ang DOH sa sinabi ng World Health Organization na kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri sa bakuna sa COVID-19.

“Kasi sa mga bakuna ngayon all over the world, wala pang nakakasubok doon sa mga bata below 16 [years old],” dagdag pa ni Vergeire.

“Hihintay muna tayo ng sapat na ebidensya kung saan nasubukan na ang mga bakuna sa mga bata bago po natin mapatupad ‘yan dito sa ating bansa.”

Nauna nang sinabi ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na sinimulan na nila ang pag-aaral sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Plano ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngunit hindi pa malinaw dito kung kasama ang mga bata at ang edad ng mga sasailalim sa vaccination program.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with