Gobyerno aayuda ng bakuna sa mahihirap na LGUs
MANILA, Philippines — Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mabibigyan ng libreng bakuna ang mga mahihirap na lokal na pamahalaan.
“Hindi naman tayo totally reliant sa LGU na kung matandaan natin sa 2021 budget may malaking pondo ang nilaan ng Kongreso for vaccine procurement. Gusto ko lang i-emphasize na itong procurement ng LGU e augmentation lang po ito whether or not may pondo ang LGU, may national vaccination program ang ating pamahalaan,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
“Walang dapat ikabahala ang maliliit at mga mahihirap na mga LGU kasi whether or not mayroong po silang pambili ng bakuna, bibilhan sila ng bakuna ng national government. Ang iroroll out ng national government ang bakunang dumaan sa vaccine expert panel at ito ay aprubado ng Food and Drug Administration,” dagdag pa nito.
Kamakailan, may ilang LGU na ang lumagda ng kasunduan sa AstraZeneca, Covovax, at Sinovac Biotech para sa suplay ng COVID-19 vaccine.
- Latest