Sotto aamyendahan ang party-list system
Sa kanyang pahayag sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Sotto na layunin ng panukala ang tugunan ang kagustuhan ng Pangulo kaya maglalagay ng isang probisyon sa panukala na hindi kuwalipikado ang sinumang grupo na kumikilos upang pabagsakin ang gobyerno.
The STAR/Geremy Pintolo, file

Sotto aamyendahan ang party-list system

Gemma Garcia (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain ni Senate President Vicente Sotto III na mag-aamyenda sa party-list system upang maiwasan ang ilang grupo na gustong pabagsakin ang pamahalaan na makakuha ng puwesto sa Kongreso.

Sa kanyang pahayag sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Sotto na layunin ng panukala ang tugunan ang kagustuhan ng Pangulo kaya maglalagay ng isang probisyon sa panukala na hindi kuwalipikado ang sinumang grupo na kumikilos upang pabagsakin ang gobyerno.

“There’s no mention of Makabayan bloc or any sector… It will be the marginalized sectors that will be mentioned and qualified para maliwanag sino ang mga iyon and sino ang puwede mag-represent sa kanila. Lilinawan natin iyon,” aniya.

Naunang inihayag ni Sotto na hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na buksan ang Saligang Batas upang maamyendahan ang party-list system saka pinabulaanan na hindi gusto ng administrasyon sa term extension.

 Ayon kay Sotto, naniniwala si Duterte na ginagamit ng Communist Party of the Philippines ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan upang isulong ang anti-government agenda nito.

Ngunit, ayon kay Sotto, maaaring matugunan ang kagustuhan ng Pangulo nang hindi inaamyendahan ang 1987 Constitution.

VICENTE SOTTO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with