Autopsy ng NBI mas pinaniwalaan ng Dacera family
Nagtungo kahapon sa piskalya ang tatlo sa 11 respondents sa Christine Dacera rape/slay upang ibigay ang kanilang mga panig sa kaso.

Autopsy ng NBI mas pinaniwalaan ng Dacera family

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang kampo ng nasa­wing flight attendant na si Christine Dacera na mas kapani-paniwala ang ikalawang otopsiya na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) kahit pa limitado lamang ang nakuhang samples ng specimen.

Ito ay nang tiyakin ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na may krimeng naganap sa pagkasawi ni Dacera base na rin sa ginagawang pagsusuri o pangalawang otopsiya sa bangkay ng flight attendant.

Nakakuha ang forensic team ng NBI ng urine sample sa labi ni Dacera na malaki ang maitutulong sa imbestigasyon ng kaso at ang resulta ay maaaring ilabas sa linggong ito.

Ayon naman kay forensic pathologist Dr. Raquel Fortun na nakadepende kung papaano isinagawa ang autopsy ang reliability ng sample na nakuha.

Aminado naman ang NBI na kontaminado na ang organ na sinuri ng ahensya dahil sa pagkakaembalsamo ng labi ni Dacera.

Nagtataka naman si Fortun kung papaano nakakuha ng urine sample ang NBI dahil batay sa unang medico-legal ng PNP na walang laman ang urinary bladder ni Dacera.

Hindi naman nagbi­gay ng time frame si Lavin sa ginagawang imbestigasyon ng NBI ngunit tiniyak nito na tatapusin  ito nang legal at masusing imbestigasyon ng mga professional agents ng forensic experts.

Samantala, inilipat ng Philippine National Police (PNP) sa Enero 27 ang pagdinig sa kaso ng nasa­wing flight attendant.

Sinabing dahil inaantay pa nila ang medical reports na hinihingi ng city pro­secutor.

Ipinaliwanag ng Makati City prosecutor’s office na nag-aantay pa ang mga pulis ng DNA analysis, toxicology/chemical ana­lysis, histopath examination, at laboratory results mula sa Makati Medical Center.

Matatandaang pinakawalan ang nahu­ling tatlo sa 11 respondent dahil sa kakulangan sa ebidensya at inaatas ng korte ang mas malalim pang imbestigasyon.

Sa preliminary investigation madedetermina kung kakasuhan ba ang mga respondents sa korte.

CHRISTINE DACERA NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with