^

House inquiry sa depositors na nawalan ng pera

Mer Layson (Pang-masa) - January 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran na magpatawag ng isang congressional inquiry kaugnay ng reklamo ng mga depositor sa ilang bangko na nawala ang kanilang naka-deposit na pera at hindi pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Law.

Ginawa ni Rep.Taduran ang pahayag, bunsod na rin ng mga natanggap na reklamo ng ACT-CIS mula sa mga depositor na nagsabing nawalan ng milyong piso mula sa ilang mga bangko, na hindi maipaliwanag o hindi nakikipagtulungan ang mga bangkong ito para matukoy kung paano nawala ang malaking ha­laga ng pera ng depositor.

Sa halip ay pinayuhan ng bangko ang mga nagrereklamo na magtu­ngo na lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

“In one case, one account lost P270 million, which magically disappeared, with the bank claiming that seve­ral withdrawals of P10 million upwards were made from the account over a period of time. The client claimed he made no such withdrawals. Instead of conducting an in-house investigation, considering the bank manager together with his family can not be located anymore, he was then told by the bank to simply bring the matter to the BSP,” paglalahad ni Taduran.

Sa ilalim ng R.A. No. 9160, ang mga pampinansiyal na institusyon tulad ng bangko ay kailangang inirereport sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga cash transaction na mahigit sa kalahating milyong piso (mahigit P500, 000.00) sa loob ng isang araw ng pagbabangko. Kaduda-duda rin ang transaksyon kung hindi naipapaliwanag kung saan pupunta ang malaking perang winithdraw sa account ng isang depositor.

ANTI-MONEY LAUNDERING LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with