^

Nanunog ng konduktora, tukoy na

Mer Layson (Pang-masa) - January 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kilala na ng awtoridad ang lalaking pasahero na nanunog sa isang konduktora sa loob ng bus sa Quezon City, na nagresulta sa pagkamatay nilang dalawa kamakailan.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) chief F/Chief Insp. Joseph del Mundo, ang suspek/biktima ay nakilalang si Edwin Dejos, 49, na dati umanong live-in partner ng konduktorang si Ameline Sembrana; kapwa nasawi sa insidente.

Ani del Mundo, sina Dejos at Sembrana ay da­ting mag-live in partner, at mayroong tatlong anak. Patay na rin umano ang kakambal ni Dejos, na sinasabing siya namang naging unang asawa ni Sembrana.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago ang pa­nununog ay nagkaroon ng argumento ang dalawa sa loob ng tumatakbong Fairview bus hinggil sa bagong kinakasama ng konduktora.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng maliit na bote ang suspek na may lamang gas at ibinuhos ito sa biktima at saka ito sinilaban, na nagresulta sa pagkamatay nilang dalawa at pagkasugat ng apat na iba pang pasahero habang natupok ang bus.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with