^
Sunog sa Camp Crame: 2 pulis todas
Mabilis na dinala sa PNP General Hospital ang mga biktima na nakilalang sina PLT Victorioso Yulde ng SAF, PMSg Amado Ormillon, Jr ng Headquarters Support Service (HSS), PSSg Nichol Jamosmos ng SAF, at PSSg Jesus Apil ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Sunog sa Camp Crame: 2 pulis todas

Doris Franche (Pang-masa) - January 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasawi matapos na makur­yente at ma-suffocate habang dalawa pa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa Logistics Support Service compound ng Camp Crame kahapon ng madaling araw.

Mabilis na dinala sa PNP General Hospital ang mga biktima na nakilalang sina PLT Victorioso Yulde ng SAF, PMSg Amado Ormillon, Jr ng Headquarters Support Service (HSS), PSSg Nichol Jamosmos ng SAF,  at  PSSg Jesus Apil ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Subalit, makalipas ang ilang minuto idineklarang patay si Ormillon  dahil sa electrocution habang suffocation naman si Ja­mosmos. Nagtamo naman ng mga sugat sina  Yulde at Apil.

Agad na inutos ni PNP Chief, Police General Debold M Sinas ang masusing imbestigasyon sa insidente na tumupok sa Transportation Maintenance Division facility ng LSS.

Inatasan nito  si Police Brigadier General Arthur Bisnar, Director Headquarters Support Service (HSS) na magsagawa ng regular na periodic fire safety inspection sa lahat ng PNP facilities at gusali partikular ang mga luma at magtatagal ng gusali na madaling masunog.

Lumilitaw sa report  na naganap ang sunog dakong alas- 2:00 ng madaling araw sa TMD, LSS Compound nang bigla na lamang nakarinig ng pagsabog si PLTCOL Daniel Vinluan, Deputy Chief ng TMD, LSS, kasunod ng pagsiklab ng apoy sa likurang bahagi ng isang armored vehicle na nakaparada.

Mabilis na inalerto at humingi ng tulong si Vinluan Camp Crame Base Fire Station habang ang ibang LSS personel ay kumuha ng fire distinguishers.

Makalipas ang mahi­git isang oras dineklarang fire-out ang sunog.

CAMP CRAME SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with