^

Internet download speed sa Pinas tumaas

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtaas ng download speed ng internet sa bansa nitong nakalipas na 2020 sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinase ito sa pag-aaral ng Ookla, isang independent technology company, na nagsabing umabot sa 297.47% ang pagtaas sa DL speed para sa fixed broadband at 202.41% naman sa mobile broadband.

Mula ito noong 2016 na nasa 7.91Mbps sa fixed at 7.44Mbps sa mobile, tumaas na ito sa 31.44Mbps sa fixed at 22.50 naman sa mobile broadband.Nabatid na 10 milyong unique speed tests ang ikinasa ng Ookla noong Disyembre 2020 para makuha ang naturang mga resulta.

Sa kabila ito ng pagtaas ng 500% ang data usage sa bansa nang magkaroon ng COVID-19 pandemic at problema ng mga telecommunications company (telcos) sa pagtatayo ng mga dagdag na cellular towers.

Nakatulong naman para mapabilis ang pagproseso sa mga aplikasyon para sa bagong cellsites sa pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act kung saan nagkaroon na ng ibayong suporta ang mga lokal na pamahalaan sa pag-upgrade sa mga pasilidad ng mga telcos.

DICT INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with