^

Tax sa e-pusta, e-sabong kikita ng P1.25 bilyon

Joy Cantos (Pang-masa) - January 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang maghahatid ng mga P1.25 bilyong buwis sa gobyerno sa unang taon pa lamang ng implementasyon ng buwis sa mga ‘electronic’ na pustahan (e-pusta), lalo na sa sabong (e-sabong) sa panukalang House Bill 8065.

Ito ay may katumbas ng 90 beses ang laki kaysa sa P13.7 milyong buwis na kita ngayon mula sa mga sabungan sa buong bansa sa House Bill 8065.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman, na siyang pangunahing may akda ng HB 8065, ipinasa ito ng Kamara sa botong 215 aprub, isang kontra, at walang hindi bumoto na agad ipadadala sa Senado para pag-aralan at pagdebatehan.

Ipinaliwanag ni Salceda na ang buwis sa ilalim ng HB 8065 ay ipapataw lamang sa mga pustahan sa labas ng mga pasugalan na lisensiyado ng mga pamahalaang lokal o LGU na ang kita ay sadyang kailangan upang mapondohan ang mga tugon laban sa Covid-19 pandemic at mga hakbang upang makabangon ang bansa sa pagkakalugmok na dulot nito.

Natutuwa at umaasa ang mga opisyal ng administrasiyon na hirap na sa pag-iisip kung saan kukuha ng pondo ang gobyerno, kung magi­ging batas ang HB 8065 at malaki ang maiaambag nito upang mapasiglang muli ang ekonomiya na ang pagbulusok ay bumagal sa 11.5% sa ‘third quarter’ ngayong taon.

TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with