^

Biyudang matanda itinumba sa chapel

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 62-anyos na ginang matapos na siya ay barilin ng isang lalaki habang nakaupo sa tapat ng chapel ng kanilang lugar sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Corazon Pan­dungon, nakatira sa No. 117 Ampioco Street, Balut, Tondo, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-8:35 ng gabi sa tapat ng San Roque Chapel sa may H. Lopez Street, Tondo.

Habang nakaupo ang biktima sa isang tricycle na nakaparada sa tapat ng chapel nang biglang maka­rinig ang mga residente ng putok ng baril.

Dito tumambad ang duguang si Pandungon habang nakitang tumatakas ang salarin na hindi umano namukhaan ng mga residente.

Hinala ng mga otoridad na may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen matapos na makakalap ng impormasyon na ang biktima ay sangkot din umano sa pagtutulak sa kanilang lugar.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with