^
Amo ng pinatay na Pinay sa Kuwait, bibitayin
Ikinatuwa naman ito ng Pilipinas, at nagpa­salamat ang embahada sa desisyon ng korte maging sa mga opis­yal na tumulong para makamit ang hustisya para kay Villavende.
Wikimedia Commons/Mehdi Hasan Khan

Amo ng pinatay na Pinay sa Kuwait, bibitayin

Gemma Garcia (Pang-masa) - January 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Kuwaiti criminal court ng parusang bitay sa pamamagitan ng pagbigti ang among babae na tumortyur at pumatay sa Pinay domestic worker, Jeanelyn Pa­dernal Villavende.

Apat na taong pagkakakulong naman ang ipinataw sa mister dahil umano sa pagtatago sa krimen.

Ayon kay Philippine embassy lead counsel, Atty. Sheikha Fawzia Al-Sabah, na patas ang naging hatol ng korte at naayon ito sa batas.

Ikinatuwa naman ito ng Pilipinas, at nagpa­salamat ang embahada sa desisyon ng korte maging sa mga opis­yal na tumulong para makamit ang hustisya para kay Villavende.

Si Villavende ay mula sa Norala, South Cotabato at nagtrabaho bilang domestic helper worker noong Hulyo 2019 at nagsimula ang pang-aabuso sa kanya noong Oktubre 2019 at matapos ang limang buwan ay natagpuan ang bangkay ng biktima noong Dis­yembre 28, 2019.

Ayon sa embahada, ang kaso ni Villavende ay magsilbing paalala sa lahat na walang sinumang Filipino ang pwedeng gawing alipin ninuman at saan man.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with