^

91% Pinoys haharap sa 2021 ng may pag-asa

Malou Escudero (Pang-masa) - December 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 91% na mga Pinoy ang nagsabi na haharapin nila ang 2021 ng may pag-asa.

Ito ay batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia noong November 2020 na ang  resulta ay inilabas kahapon at isang porsiyento lamang sa na-survey ang nagsabi ng haharap sila sa Bagong Taon ng walang pag-asa, samantalang walong porsiyento naman hindi makapagsabi kung sila ay may pag-asa o wala.

Ang survey ay base sa face-to-face interviews ng 2,400 adults o 18 taong gulang pataas sa buong bansa.

Samantala, 55 porsi­yento naman ng mayorya ng mga Pinoy ang nagsabi na walang magiging pagbabago sa selebrasyon nila ng Pasko kumpara sa nakaraang taon.

Tatlumpung anim na porsiyento ang umaasa na magiging kasing sagana ang kanilang Pasko noong 2019 samantalang 18 porsiyento ang nagsasabi ng hindi.

Hindi naman nagulat ang Malacañang sa resulta ng Fourth Quarter Survey ng Social Weather stations (SWS), na nagsasabing 62% ng mga Filipino ay naniniwalang hindi bumuti ang kanilang buhay sa nakaraang 12 buwan.

Ang survey ay isinagawa noong Nobyembre 21 hanggang 25, 2020.

 

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with