_pang-masa
^

Pitmaster namigay ng 17k na noche buena packs sa ‘poorest of the poor’ ng Metro Manila

(Pang-masa) - December 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 17,000 food packs para sa noche buena ang ipinamahagi ng Pitmaster Foundation Inc. sa labing pitong lungsod ng Metro Manila.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, ipinadaan sa mga mayors ang noche buena donations at sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahirap na mga constituents nila. “This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang Pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya,” paliwanag ni Atty. Cruz.

Ani Cruz, bawat lungsod ay hinatiran ng 1,000 food packs na nagkakahalaga ng P500 bawat isa na naglalaman ng ilang kilong bigas, de lata, spaghetti, fruit cocktail, at iba pa.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga LGUs sa NCR sa maagang pa-noche buena ng naturang foundation.

 

FOOD PACKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with