_pang-masa
^

Police Metro

Unang Simbang Gabi sa pandemya, dinumog

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Unang Simbang Gabi sa pandemya, dinumog
Halos naokupahan na ng mga dumalo ng Simbang Gabi ang labas ng St. Peter Parish sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police chief PGen. Debold Sinas na naging maayos at mapayapa ang idinaos na unang Simbang Gabi sa panahon ng pandemya sa pangkalahatan kahit na ito ay dinumog.

Base sa ulat ng mga opis­yales kay Sinas, marami ang dumalo sa Simbang Gabi kahapon ng madaling araw sa mga Simbahan ng Katoliko sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Anya, simula pa alas-4:00 ng madaling araw ay nakaabang na siya kaugnay sa mga sitwasyon sa mga cathedral, basilica at mga simbahan kung saan  ang mga diosis at parokya ay nagsasagawa ng una sa siyam na araw na novena ng kinagisnang Simbang Gabi na hudyat ng Araw ng Pasko.

Base sa system-ge­nerate SMS na ipinakikita ng PNP Command Center, mababasa na: “As reported by all PROs, no significant incident was monitored in relation to Simbang-Gabi.”

Iginiit ng PNP chief na ang mga opisyal ng simbahan at lokal na pamahalaan ay nagpalabas ng mga kautusan at ordinansa na ipapatupad sa mga lugar at simbahan upang gawin ang social distancing kung saan kailangan 30 porsiyento lang ng kabuuang kapasidad ng simbahan.

Matatandaang noong Linggo, Disyembre 13, nakipag-ugnayan si Sinas sa mga opisyales ng Quiapo Basilica at Baclaran Church upang isaayos ang pagpapatupad  ng tamang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng Pasko.

Ang mga police social-distancing patrollers ay mahigpit na magpapatupad ng mga patakaran upang ipaalala sa mga magtutungo sa simbahan na mahalaga ang pagsunod sa tamang patakaran para na rin sa kanilang kaligtasan kung kaya’t kailangang magsuot ng face masks at face shields at gawin ang tamang agwat lalo na sa pampublikong mga lugar. Danilo Garcia

 

SIMBANG GABI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with