^

9 nagpa-party sa kalye, inaresto

Danilo Garcia (Pang-masa) - December 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siyam na tao na lantarang nag-iinuman sa kalsada sa may Paco, Maynila ang inaresto kamakalawa ng hapon ng Manila Police District (MPD).

Kinilala ang mga dinakip na sina May Flores, 26; Ivy Lumaga, 27; Joy Kris Ramos, 33; Christian Marcaida, 25; Elizabeth Delos Reyes, 32; Ginalyn Satore, 32; Romnick Mallari, 32; Ricay May Mallari, 23; at Alvin Domengiano, 22.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang makatanggap  ng ulat ang pulisya na isang malaking grupo na nag-iinuman sa may Batangas Line Street, Paco.

Agad itong nirespondehan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam na suspek.

Bukod sa inuman sa kalsada, naobserbahan din na magkakadikit ang mga suspek, mga walang suot na face masks at lumilikha ng matinding ingay.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa paglabag sa Revised Ordinance 5555 (Drinking Liquor in Public Place) bukod pa sa kasong paglabag sa ‘quarantine protocols’ ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF).

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with