^

Cash assistance sa magsasaka aprubado na sa Senado

Gemma Garcia (Pang-masa) - December 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang magbibigay ng cash assistance sa mga magsasaka ng palay gamit ang koleksyon mula sa rice tariffication hanggang sa 2024.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1927 na iniakda ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture, pinapayagan nito ang Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang pondo mula sa annual P10 bilyon Rice Competitiveness  Enhancement Fund (RCEF) para maipamahagi sa mga magsasaka na nag-mamay-ari ng lupang wala pang isang ektarya.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, na nilagdaan noong Pebrero 2019, dapat umabot sa P10 bilyon kada taon ang kita ng RCEF sa loob ng anim na taon at mula dito ay P5 bilyon ang ilalaan sa rice farm machinery at equipment, P3 bilyon para sa punla ng bigas, P1 bilyon para sa expanded credit assistance at P1 bilyon para sa rice extension services tulad ng mga training para sa mga magsasaka.

Ayon kay Villar, tinata-yang P5 bilyon tariff collection ang sobra sa RCEF  kung saan 2.3 bilyon dito ay noong 2019 at sa pinakahuling datos noong Setyembre ay P3 bil­yon ito ngayong taon .

Sa sandaling maging ganap na batas ang unang cash aid gamit ang RCEF ay isasama sa panukalang 2021 national budget gayundin sa mga susunod na taon hanggang 2024.

Sinabi pa ng Senador na ang nasabing panukala ay inihain sa senado sa gitna ng magkakasunod na bagyo nanalasa sa bansa kung saan 160,000 ektarya ng palayan ang nasalanta.

FARMERS SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with