Babala ng mga eksperto: COVID-19 lolobo ngayong holiday season
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, unti-unti nang bumababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw pero posibleng tumaas muli ito kung hindi aniya naoobserbahan ng mga mamamayan ang minimum health standards na itinatakda ng pamahalaan lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan kung saan nagkakaroon ng overcrowding dahil maraming tao ang sumasadya sa mga mall at pamilihan para mag-shopping.
Edd Gumban/File

Babala ng mga eksperto: COVID-19 lolobo ngayong holiday season

Mer Layson (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang mga eksperto sa posibleng mu­ling pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila ng hanggang 1,000 kada araw ngayong holiday season.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, unti-unti nang bumababa ang COVID-19 cases sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw pero posibleng tumaas muli ito kung hindi aniya naoobserbahan ng mga mamamayan ang minimum health standards na itinatakda ng pamahalaan lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan kung saan nagkakaroon ng overcrowding dahil maraming tao ang sumasadya sa mga mall at pamilihan para mag-shopping.

Aniya, simula Agosto, ang average cases sa Metro Manila ay mahigit 2,000 kada araw ngunit ngayon ay nasa 400 bawat araw na lamang na napa­kalaking improvement.

Babala naman ni David, bagama’t unti-unting nababawasan ang mga kaso ng sakit ay hindi pa rin ito sapat upang lalo pang luwagan ang community quarantine restrictions sa NCR.

“Ang iniiwasan natin magka-increase tapos bumalik tayo sa 2,000 cases per day. Ang ini-expect namin, kahit magka-surge ngayon, baka umabot siya ng mga 800-1,000 cases per day sa Metro Manila, kaya pa naman yan,” ayon kay David.

Tinukoy ni David ang isang pag-aaral sa India na nagpapakita na ang mga menor-de-edad ay may malaking potensiyal na magkalat ng virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with