RFID rollout sablay, isuspinde muna – solon

Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa maraming kapalpakan at aberya, ipinasususpinde muna ni 1st District Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian ang implementasyon ng Radio Frequency Identification (RFID) cashless toll collection system sa mga motor vehicles sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay Gatchalian, chairman ng House Committee on Trade and Industry (DTI), ito’y sa gitna na rin ng mahabang pila sa NLEX na noong mga unang araw ay umabot pa sa limang kilometro at nagpapalala ng trapiko.

Sinabi ni Gatchalian na dapat ayusin muna ng mga opisyal ng NLEX ang implementasyon ng cashless toll collection system para sa mga motor vehicles  ng NLEX officials at solusyunan ang mahabang pila na nagpapalala ng trapiko sa Valenzuela at mga karatig nitong lugar.

Ayon kay Gatchalian ang matinding aberya sa implementasyon ng cashless toll collection sa NLEX ay dulot ng matinding trapiko lalo na ng Disyembre 1.

Sinabi ni Gatchalian maraming mga tollgates ang hindi mabasa ang RFID stickers na ikinabit  sa mga behikulo habang ang iba naman bagaman ay walang mapagpa-loadan.

 

RFID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with