^

Internet speed sa Pinas, mas umunlad ngayong taon

Danilo Garcia (Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-unlad ng internet sa Pilipinas ayon sa November 2020 report ng Ookla-ang global leader sa mobile and broadband network intelligence, testing applications at technology. Para sa fixed broadband, nakasaad sa latest report ang average download speed na 28.69Mbps na 262.71% increase mula sa dating download speed sa bansa na 7.91Mbps lamang noong Hulyo 2016.

Ito ang ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang dire-diretsong pagtaas ng internet speed sa kabila ng COVID-19 pandemic ay dulot ng infrastructure roll-out at maintenance ng cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa na sinimulan nitong Marso 2020.

Ito ay kasabay rin ng pagtaas pang lalo sa demand sa internet service ng mga telco dahil sa ‘work-from-home-schemes, online learning’ at mataas na demand sa online entertainment sa bansa.

Pinalalakas na rin ni DICT Secretary Gringo Honasan ang Free Wi-Fi sa lahat ng proyekto sa buong bansa para mapaunlad ang online class learning experience ng mga guro at estudyante sa remote areas.

Inaasahan naman na sa Marso ng 2021 ay idaraos na ang commercial launch ng ikatlong telco sa bansa-ang DITO Telecommunity, na inaasahang magpagpapaunlad sa telco services at mas abot-kaya.

INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with