^

Police Metro

2 lalaki sinalvage sa Makati

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 lalaki sinalvage sa Makati
Sinisiyasat ng mga miyembro ng SOCO ang dalawang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage na itinapon sa kahabaan ng Osmeña Highway, Makati City kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Osmeña Highway, Brgy. San Antonio, Makati City.

Kapwa nakagapos patalikod ang dalawang bangkay ng lalaki na may mga tama ng bala sa ulo at katawan na may ilang metro lang ang layo sa isa’t isa.

Unang nadiskubre, ala-1:15 ng madaling araw sa Osmeña Hiway (north bound) ng nasabing barangay ang biktima na nakasuot ng  itim na t-shirt, kulay beige na cargo pants, itim  na rubber shoes, may edad 40-45, medium built, maputi, may taas na 5’6-5’8 at may mga tama ng bala sa ulo at nakagapos patalikod ang mga kamay ng itim na kable.

Makalipas ang isang oras, o alas-2:20 ng madaling araw ay isa pang duguang bangkay din ng lalaki ang nadiskubre sa Osmeña Hi-way (North Bound), na sakop naman ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Inilarawan ang ikalawang biktima sa suot na blue t-shirt na may collar, kulay beige din ang short pants, blue ang suot na tsinelas, maitim, nasa 25-30 ang edad, medium built, may taas na 5’4-5’6.

Nakakuha ng 7 basyo ng bala ng 9mm kalibre sa pinagyarihan.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with