_pang-masa
^
Mga pasaway sa health protocols hahatawin ng yantok
Ito ang naging babala kahapon ni Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na aarmasan ng yantok ang mga pulis na ipapakalat sa mga lugar kung saan madalas nagkukumpulan ang mga tao katulad ng palengke, malls, simbahan, ports, seaports, at pampublikong sasakyan.
The STAR/Edd Gumban, file

Mga pasaway sa health protocols hahatawin ng yantok

Malou Escudero (Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

Mga pulis ipapakalat sa mga matataong lugar...

MANILA, Philippines — Gagamit na ng yantok ang mga pulis sa mga matitigas ang ulo na ayaw sumunod sa health protocols tulad ng social distancing.

Ito ang naging babala kahapon ni Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na aarmasan ng yantok ang mga pulis na ipapakalat sa mga lugar kung saan madalas nagkukumpulan ang mga tao katulad ng palengke, malls, simbahan, ports, seaports, at pampublikong sasakyan.

Sinabi pa ni Binag na ang paggamit ng yantok ay base sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) chief Ge­neral Debold Sinas na ang sukat ng yantok na gagamitin ay may habang isang metro at maaari ring ipamalo ng social distancing patrol sa matitigas ang ulo.

“Meron pa kaming tinawag na social distancing patrol, ito ‘yung pinag-utos ng ating chief PNP si General Sinas… May hawak na yantok ‘yan, isang metro ‘yan, pang-saway tapos panukat. Pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” ani Binag.

Idinagdag pa ni Binag na nakikipagtulungan na rin ang PNP sa mga local government units (LGUs) para sa mas maayos na pagpapatupad ng qua­rantine protocols.

Related video:

HEALTH PROTOCOLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with