^

Police Metro

Mga kongresista ‘di puwedeng mauna sa COVID-19 vaccination

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang mga kongresista at kawani ng Kamara ang hindi dapat mauna sa “vaccination plan” ng pamahalaan na nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang ipinalala ni Preventive Education and Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon bilang reaksyon sa naging pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na ipaprayo­ridad sa mass vaccination ang 8,000 mambabatas at kawani ng Mababang Kapulungan sa oras na maging handa na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Leachon na ang ganitong mga pronouncement na mauuna sila o iprayoridad sa bakuna ay maaaring magdulot ng kaguluhan at tiyak umanong mababatikos lalo at limitado lamang ang inisyal na dating ng bakuna at kailangan ibigay ito sa mga nasa priority list.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni House Secretary General Dong Mendoza na hindi problema ang pagpondo sa COVID-19 vaccine dahil prayoridad ito ni Speaker Velasco at nagkaroon na ng inisyatibo sa pag-uusap kay Vaccination Czar Secretary Charlie Galvez.

Kahit na may sapat na pondo, iginiit ni Leachon na dapat pa ring mag-aplay ang mga mambabatas sa priority list dahil sa ang ‘vaccination plan’ ng pamahalaan ang dapat na masunod. 

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na prayoridad sa vaccination ang mga frontli­ners mula sa pribado at pampublikong sektor, mga senior citizens, mga mahihirap, at mga unipormado tulad ng pulis at military.

Ito ay matapos na may 98 ang nagpositibo sa Kamara sa COVID-19 na kinabibilangan ng ilang mambabatas at empleyado mula Nob­yembre 10 hanggang Nob­yembre 20.

Nilinaw naman ni Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, Director ng Bureau of International Health Cooperation ng DoH na hindi magiging pala­kasan at kung sino ang makapangyarihan ang mauuna sa bakuna kundi kung sino ang vulnerable sector.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with