3 miyembro ng gun-for-hire group todas sa checkpoint

Doris Franche (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong miyembro ng gun-for-hire group matapos makaeng kwentro ang mga otoridad sa isang checkpoint sa bahagi ng Quirino Highway, Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ang mga napatay na suspek ay sina Jojo Castro; Romy Mallari; Escott Roque.

Batay sa ulat, bago naganap ang engkuwentro, alas-3:00 ng madaling araw sa nasabing lugar ay nakatanggap ng impormasyon ang PNP-HPG na isang gun-for-hire group ang dadaan sa lugar kaya nag-set up ng checkpoint.

Makaraan ang ilang oras ay namataan ng mga otoridad ang isang sasak­yang kahina-hinala umano ang plaka at nang makumpirma na karnap ang sasakyan ay agad itong hinarang ng mga otoridad.

Sa halip na huminto sa checkpoint ay nagtangka ang mga suspek na tumakas kaya nauwi sa putukan ang insidente na ikinasawi ng tatlong suspek habang isa naman ang nakatakas sakay ng mazda (XEL-583).

Nabatid na nag-operate ang grupo sa Region 3 at nagpunta ang mga suspek sa Quezon City.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with