7 katao pisak sa killer truck

Doris Franche (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong katao ang nasawi kabilang ang dalawang barangay kagawad nang araruhin ng trailer truck na may kargang bulldozer sa Misamis Oriental, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawa sa pitong nasawi na sina Barangay Kagawad Wilfredo Capilador Jr. at Lemwel Hermis Edurot. Habang­ ­inaresto naman ang driver ng trailer truck na kinila­lang si Vincent Abuloc.

Batay sa report ng Jasaan Police Station, bandang alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa gilid ng kalsada sa Zone-2, Brgy. Aplaya Jasaan, Misamis Oriental.

Ayon kay Police Major Evary Bacunawa ng Jasaan-PNP, galing sa Butuan City ang trailer truck at papunta sa Zamboanga City nang maputol ang chassis nito.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ng truck si Abuloc kaya inararo ang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada na kinabibilangan ng 13 motorsiklo, 1 Starex van, 1 bongo, 1 Toyota Innova, 1 Isuzu Crosswind, 1 Hyundai Eon, at 1 multicab.

Hindi nakaligtas ang pitong biktima nang magulungan ng trailer truck at madaganan ng karga nitong buldozzer.

Dinala naman sa ospital ang limang iba pang nasugatan mula sa pamil­yang Monticello, Lauron at Kampion na galing sa huling lamay sa kanilang kaanak.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with