Anti-endo Bill, pasado na sa Kamara

Joy Cantos (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang alisin ang kontrakwalisasyon.

Sa botong 204 Yes, 7 No at 3 Abstention, nakalusot ang House Bill 7036 o ang Security of Tenure Act.

Layon ng panukala na palakasin ang karapatan ng mga manggagawa sa pribadong sektor at ­amyendahan ang Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines para tuluyang ipagbawal ang kontrak­twalisasyon sa private sector.

Sa ilalim ng panukala ay papayagan lamang ang “labor-only” contracting kung ang contractor ay walang sapat na puhunan o investment para sa tools, equipment, machineries, at work premises; walang kontrol sa paraan ng mga manggagawa para tapusin ang trabaho; at kung ang mga manggagawa na na-recruit at naitalaga para sa trabaho ay direktang may kaugnayan sa pangunahing negosyo ng employer.

Mahigpit na ipinagbabawal ang fixed-term employment maliban sa kaso ng OFWs, workers na nasa ilalim ng probation at relie­vers na gumaganap na pansamantalang kapalit ng isang regular na em­pleyado.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with