Liderato ng kamara nagising sa red-tagging issue

Joy Cantos (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistulang sinampal at nagising si Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa nitong pagtatanggol sa red-tagging issue sa Ma­kabayan bloc sa naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana tungkol sa pagkasawi ng bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn sa isang engkuwentro kamakailan sa tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Lorenzana, ang pagkakapatay sa anak ni Rep. Cullamat ay nagpapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan bloc ay sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay,yung red-tagging namin ay may basis. May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.

Magugunita sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay tanging si Velasco ang umalma sa red tagging isyu at nagsabing walang sapat na ebidensya laban sa mga progressive solons na kung saan ay binalaan pa nito si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan.

Hinamon ng DDS na si Mark Lopez si Velasco na ngayong napatunayan ang red-tagging sa mga progressive solons at mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing front organization ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan bloc sa Kamara ay magsagawa na ito ng imbestigasyon.

Naniniwala ang mga supporters ni Pangulong Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang mga Ma­kabayan bloc,s ubalit na­ngangailangan ito ng inis­yatibo mula kay Velasco.

Suportado ng DDS ang panawagan ng dating NPA rebel at star witness ng gobyerno na si Jeffrey Celiz alyas Ka Eric na magbitiw bilang miyembro ng Kamara ang Makabayan bloc dahil guilty ito sa kasong treason.

LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with