98 nagpositibo sa mass testing sa House of Representatives

Joy Cantos (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umamin ang Kamara na mayroon nang 98 confirmed COVID-19 case na simula pa noong Nob­yembre.

Ang pag-amin ng Kamara ay nang sila ay kalampagin ng City Epidemio­logy and Surveillance Unit (CESU) sa kanilang late reporting ng COVID cases.

Sa isang press release na ipinalabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara base sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing, gayunpaman, hindi nito idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas.

Nabatid ang 98 confirmed cases ay hindi naka-report sa QC-CESU na pag­labag sa itinatakdang 24 oras na reporting ng mga COVID cases kaya aminado ang virus surveillance unit ng lungsod na mahihirapan na sila ngayon sa gagawing contact tracing lalo na at lumipas na ang 20 araw.

Sinabi ni QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, ta­nging 40 cases lamang ang kanilang nasa listahan na pawang nagself-reporting, ang mga nai-report na kaso na siyang dahilan kung bakit nila kinalampag at hinihingan ng report ang Kamara.

Kanila na ring iimbestigahan kung saan at paano nakuha ng 98 confirmed cases ang virus  kung ito ay pawang sa Kamara nakuha o sa ibang lugar at kung may batayan para ipasara pansamantala ang tanggapan.

Ang 98 confirmed cases sa buwan ng Nobyembre ng Kamara ay hiwalay pa sa nauna nang 80 COVID cases na naitala simula Marso 2020 kung saan 2 mambabatas at 3 empleyado na ang namatay.

Isinisi naman ng mga kawani ng Kamara ang paglobo ng mga kaso ng COVID cases sa ahenya sa hindi istriktong pagsunod sa quarantine protocol mismo na rin ng mga House leaders.

Tinukoy ng mga ito sina Speaker Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Party­list Rep. Mikee Romero at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol nang patuloy pa rin itong pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.

Bagama’t sinabi ni Ro­mero na nagnegatibo sila sa test matapos na ma-exposed kay Lapeña ay hindi naman ito sumailalim sa 14 day quarantine dahil nakita itong dumadalo sa mga hearing at courtesy call sa Kamara.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with