Duterte: Makabayan, Bayan at Gabriela front ng CPP-NPA

Malou Escudero (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Duterte na hindi kaila­ngang i-red-tag ang grupong Makabayan bloc, Bayan, Gabriela dahil tukoy na sila bilang legal fronts ng National Democratic Front, New People’s Army at Communist Party of the Philippines.

“Let’s start with… Una­hin ko na ‘to ha. Itong mga legal fronts ng komunista, lahat ‘yan, Makabayan, Bayan, they are all legal fronts, Gabriela. Hindi ‘yan sila --- we are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung ...ang New People’s Army, NDF at Communist Party of the Philippines,” ani Pa­ngulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, “com­munal war” na ang nangyayari at wala nang ipinaglalabang ideolohiya at gusto lang ng grupo na agawin ang gobyerno.

Tinawag pa ni Duterte na mga bobo ang sumusuporta kay CCP foun­ding chairman Jose Maria Sison.

“Mga bobo naman ang p***** i**. Sinong mga bright? Si Sison? Iyon ‘yung bright si Sison? Susmaryosep. Iharap mo si Sison sa akin, magdebate kami,” ani Duterte.

Idinagdag pa ni Duterte na hindi maituturing na red-tagging ang pagtukoy ng Armed Forces of the Philippines sa mga nabanggit na grupo bilang mga komunista.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with