Minors bawal pa rin sa malls sa Metro Manila
Ito ang paglilinaw ni Año makaraang ianunsyo ni Metro Manila police chief Brig. Gen. Vicente Danao na hindi pa rin papayagan ang mga menor-de-edad sa pagpasok sa mall.
The STAR/Michael Varcas

Minors bawal pa rin sa malls sa Metro Manila

Doris Franche (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi pa rin papayagan ang mga menor-de-edad na makapasok sa malls lalo na sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) hangga’t walang inilalabas na resolusyon at ordinansa mula sa local government units.

Ito ang paglilinaw ni Año makaraang ianunsyo ni Metro Manila police chief Brig. Gen. Vicente Danao na hindi pa rin papayagan ang mga menor-de-edad sa pagpasok sa mall.

 “Yes, that’s right. Kailangan lumabas muna ang resolution nila [LGUs],” pahayag ni Año.

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong  Duterte, na nasa ilalim ng GCQ mula Disyembre 1 hanggang 31 ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.

Ang iba pang bahagi ng bansa ay nakapailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine. - Malou Escudero, Danilo Garcia

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with