Metro Manila mayors pinaikli ang curfew hours
MANILA, Philippines — Upang bigyang-daan ang nalalapit nang tradisyunal na Simbang Gabi ay nagkaisa ang Metro Manila mayors na paikliin ang oras na curfew.
Sinabi kahapon ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na inirekomenda nila sa national government na palawakin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng buwang ito upang paikliin ang curfew hours at makagawa ng paraan para sa pagdaraos ng Simbang Gabi.
Nilinaw ni Olivarez na dahil sa tumataas pa ring mga kaso ng coronavirus disease 2019 mas dapat na manatili sa GCQ ang Metro Manila.
Una nang nagbabala ang OCTA Research group na sa NCR ay maaaring umabot ng hanggang sa 1,000 kaso kada araw kung hindi mababantayan.
Magsisimula na ang curfew hours ng alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas 3:00 ng madaling araw.
- Latest