^

Police Metro

Kamara sinita sa late reporting ng COVID-19 cases

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang naantalang pag-uulat ng kaso ng CO­VID-19 sa House of Representatives ang naging dahilan ng paglobo ng kaso na umabot na sa mahigit 40 kaso.

Ito ang ginawang pagsita ni Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr.Rolly Cruz sa liderato ng Kamara at nang kanilang beripikahin ay nasa 96 na ang kabuuang bilang ng mga positive cases sa nakalipas na 10 araw na kung agad naireport sa kanila at ay agad nagagawan nila ito ng contact tracing.

Ipinaliwanag ni Cruz na kahit pa man asymptomatic ang pasyente basta nakumpirma itong positive sa test ay dapat ipagbigay alam agad sa kinauukulan.

Sinabi naman ni House Secretary-General Dong Mendoza na nakipag-ugnayan na sila sa QC-CESU, na tumanggi rin itong kumpirmahin na tumaas ang kaso ng COVID cases bagama’t nagsasagawa na umano ngayon ng mass testing sa mga mambabatas, kawani at maging sa mga bumibisita sa tanggapan.

Sinabi ni Cruz na pagbabatayan nila ang COVID cases report na isusumite ng Kamara sa kanilang gagawing imbestigasyon pangunahin na rito kung bakit nagkaroon ng hawa­han at kung may pagtaas ng kaso na maaa­ring pumasok sa kate­gorya ng outbreak na maaa­ring maging dahilan para pansamantalang ipa­sara ang tanggapan.

Kinastigo naman ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz ang mga House Leaders na sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol nang patuloy pa rin itong pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.

Umaapela ang mga kawani ng full transpa­rency sa mga COVID ca­ses sa Kamara at sinu-sino ang mga may exposure sa COVID positive patients para na rin sa proteksyon ng lahat.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with