^

Bonifacio gawing inspirasyon — Duterte

Malou Escudero (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “I am one with the entire Filipino nation in commemorating the 157th Birth Anniversary of Andres Bonifacio”.

Ito ang taped message ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang kahapon ng ika-157th Birth Anniversary ni Andres Bonifacio na inilabas habang ginaganap ang seremonya nang pag-aalay ng bulaklak sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.

Ayon kay Duterte, ang rebolusyong sinimulan ni Bonifacio ang nagmulat at naging pundasyon ng Republika.

Sinabi pa ni Duterte na ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan na naging mitsa para ipaglaban ng ating mga ninuno ang kalayaan upang magkararoon ng lugar ang Pilipinas sa komunidad ng mga bansa ay mahalaga sa ngayon sa pagharap sa COVID-19 pandemic.

Umaasa si Duterte na maging inspirasyon sa lahat ang buhay at mga nagawa ni Bonifacio.

Katulad nang kaka­ibang tapang ni Bonifacio, hinamon ni Duterte ang mga mamamayan na harapin ang mga darating pang pagsubok para magkaroon ng magandang bukas ang mga Filipino.

ANDRES BONIFACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with