^

Police Metro

3 timbog sa P26 milyong marijuana

Mer Layson - Pang-masa
3 timbog sa P26 milyong marijuana
Sa ulat, bago naaresto alas-7:40 ng umaga ang mga suspek ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (PDEG) ng Philippine National Police (PNP) sa EDSA, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak ay nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang P26 milyon halaga ng marijuana sa Balintawak, Quezon City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Dianne Irene Rodriguez Cambalicer, 37; Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29; at Angelo Buenaventura Pascual, 22.

Sa ulat, bago naaresto alas-7:40 ng umaga ang mga suspek ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group (PDEG) ng Philippine National Police (PNP) sa EDSA, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak ay nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Kaya’t nagsagawa ng isang buy-bust operation at nagpanggap na buyer ang isang pulis at nang magkaabutan ng items ay agad na inaresto ang tatlong suspek na nakumpiskahan ng 217 bloke ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng P26,040,000. – Doris Franche

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with