^

Police Metro

Cesu iimbestigahan ang paglobo ng COVID-19 cases sa Kamara

Doris Franche - Pang-masa
Cesu iimbestigahan ang paglobo ng COVID-19 cases sa Kamara
Bukod dito ay kina­lampag din ng Quezon City-CESU ang Kamara na isumite sa kanila ang kumpletong listahan ng mga COVID cases na hindi umano ito dapat inaantala dahil malinaw sa batas na walang exempted at agaran din na isumite ang report sa mga kaso ng COVID.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Kasunod nang naitalang mahigit sa 40 kaso ng kumpirmadong COVID cases sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pawang nakuha ng mga pasyente sa kanilang trabaho.

Bukod dito ay kina­lampag din ng Quezon City-CESU ang Kamara na isumite sa kanila ang kumpletong listahan ng mga COVID cases na hindi umano ito dapat inaantala dahil malinaw sa batas na walang exempted at agaran din na isumite ang report sa mga kaso ng COVID.

Ayon kay Quezon City-CESU Director Dr. Rolly Cruz ang mahigit 40 cases na kanilang naitala ay pawang naninirahan sa Batasan at kalapit na barangay at ang workplace na kanilang inilagay ay sa Kamara.

Inamin ni Cruz na dahil pending ang report ng Kamara kaya nahihirapan silang i-trace kung ilan ang tunay na COVID cases, kaya kahit nagsasagawa na sila ng contact tracing ay nagiging limitado lang din dahil sa kawalan ng full disclosure mula sa Kamara.

Sa tanong kung masa­sabing outbreak na ang mga COVID cases sa Kamara at maaaring  ipasara ang tanggapan, sinabi ni Cruz na kanila itong ie-evaluate sa oras na makuha nila ang nasabing report.

Lumalabas na may batayan ang naging tahasang pagtuligsa ng mga kawani ng Kamara kina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na lumabag sa quarantine protocol dahil mataas ang COVID cases sa Mababang Kapulungan.

Ang mga House leaders ay may direktang exposure kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus dahil magkakasama silang du­malo sa isang dinner meeting na nakita pa sa larawan na wala silang suot na face masks.

Ikinatwiran ni Romero na nagnegatibo sila sa isinagawang COVID test gayunpaman malinaw sa health guidelines ng Department of Health (DoH) na kahit negative sa test ay dapat pa rin na sumailalim sa 14 day quarantine.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ang quarantine sa mga may direct exposure sa isang COVID patient kahit pa man nagnegatibo sa test dahil ang virus ay maaaring mag-develop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.

Aminado ang mga kawani na bulag sila sa mga kaso ng COVID cases sa Kamara dahil walang regular reporting na nangyayari at walang transpa­rency.

Hindi naman maitago ng mga kawani na maikumpara ang full transparency sa paghawak ng COVID cases sa panahon noon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na laging may update ng COVID cases si dating House Secretary-General Jose Luis Montales kaya ang resulta ay aware ang mga kawani kung mayroong exposure sa nagpositibo sa virus ay sila na mismo ang nagsi-self quarantine.

vuukle comment

CESU

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with