Dalaga na bagong recruit ng NPA dedo sa encounter

Joy Cantos (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na dalaga na bagong recruit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa isang engkuwentro sa liblib na lugar sa Brgy. Mahawan, Kananga, Leyte nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Captain Kaharudin Cadil, Civil Military Operations (CMO) ng 802nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army, ang nasawi na si  Rochelle Mae Bacalso na binigyan ng mga alyas na “Ruth/Justine” bilang bagong recruit at kasapi  Sub-Regional Committee Levox, Eastern Visayas Regional Party Committee ng CPP-NPA-NDF.

Ayon sa militar, si Bacalso ay may ilang buwan nang nawawala matapos na malinlang ng grupo ng mga rebelde na nag-recruit dito habang inaalam pa kung isang estudyante ang dalaga nang ma-recruit ng NPA. 

Bandang alas-3:35 ng hapon, ayon kay Cadil nang makasagupa ng operating troops ng 93rd-IB ang grupo ng mga rebelde. Tumagal ng mahigit 15 minuto ang palitan ng putok bago nagsitakas ang mga rebelde at inabandona ang nakalugmok na si Bacalso na naisugod pa ng mga sundalo sa Kananga Municipal Hospital pero idineklarang dead-on-arrival. 

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang Austrian–made Glock pistol, isang bandoleer ng M16 magazine, isang magazine ng M16 rifle na may 29 na bala ng cal 5.56, isang backpack ng mga personal na kagamitan, isang cellular phone, apat na duyan, apat na tents at mga subersibong dokumento.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with