DOLE: Naantalang holiday pay at 13th month pay ibigay na

Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong kum­panya na ibigay na ang mga naantalang holiday pay at 13th month pay benefits ng kanilang mga manggagawa bago matapos ang taong ito.

Una nang nagpalabas ang DOLE ng ilang holiday pay rules na nagbigay sa mga pribadong kumpan­ya ng pagpipilian sa pagpapaliban ng pagbabayad sa mga manggagawa ng kanilang holiday pay hanggang sa  oras na humupa ang national emergency  kaugnay sa coronavirus disease 2019 at magbalik na sa normal operations ang mga negosyo.

“Employers allowed to defer payment of the holiday pay of their employees as referred herein, are required to pay all covered employees of the deferred holiday pay equivalent to 100% of their daily wage,”saad naman sa  Labor Advisory 31.

Sinabi pa ni Labor  Secretary Silvestre Bello III  na ang pagbibi­gay ng holiday pay at 13th month pay ay legal na obligasyon ng mga employer na dapat tugunan.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with