Shelter para sa naabusong kababaihan, mga bata at LGBTs binuksan sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuksan na ng QC ang unang local government unit (LGU)-run shelters  para sa mga inabusong kababaihan, kabataan at LGBTs bilang bahagi ng paggunita ng lokal na pamahalaan sa 18-Day Campaign na mawakasan ang Violence Against Women (VAW). 

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte  ang pagbubukas ng “Bahay Kanlungan” na nagsisilbing temporary shelter para sa mga victim-survivors ng gender-based violence at pang-aabuso.

Ang kakanlungin sa shelter  ay dapat maipro­seso muna sa hospital-based QC Protection Center sa Barangay Bahay Toro para matiyak na mailipat ito sa shelter at maaalagaan dito ng hanggang 12 linggo.

“Nagbibigay ang ating protection center ng iba’t ibang tulong para sa kanila, tulad ng medical assistance, legal assistance, at counse­ling. Ngunit saan natin sila dadalhin kung nararamdaman nilang hindi sila ligtas sa kanilang mga tahanan? Iyan ang pinakalayunin ng Bahay Kanlungan,” pahayag ni Belmonte.

Ang shelter  ay may 60 kama para sa mga kababaihan, kabataan at LGBTs. Mayroon itong  activity area, reading hub, at pla­ying room para sa mga bata at mayroon din itong  wifi at isang learning area  para sa mga bata na nais mag online classes at may  livelihood training center para sa mga kababaihan at LGBTs. 

“Mahalaga ang papel na gagampanan ng ganitong klaseng shelter lalo nga­yong may pandemya. Batay sa datos, 25 hanggang 35 porsiyento ang itinaas ng domestic violence sa panahon ng pandemya dahil nasa iisang bahay lang ang biktima at mga gumagawa ng karahasan, na kadalasan ay partner o di kaya’y asawa o kapamilya,” dagdag ni  Belmonte.

LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with