âCOVID-19 nakakabaogâ pinag-aaralan na ng DOH
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakita na rin nila ang nasabing artikulo at ipinaubaya na nila sa mga eksperto ang pag-aaral dito.
pna.gov.ph

‘COVID-19 nakakabaog’ pinag-aaralan na ng DOH

Malou Escudero (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa lumabas na isang artikulo na nagsasabing nakakabaog sa mga kalalakihan ang COVID-19, masusi na itong pinag-aaralan ngayon ng mga health experts ng Department of Health (DOH). 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakita na rin nila ang nasabing artikulo at ipinaubaya na nila sa mga eksperto ang pag-aaral dito.

“Ito po ay ating pinag-aaralan ‘no. Actually, nakita po natin iyang artikulo na iyan noong isang linggo, at ito po naman ay ibinigay natin sa ating mga eksperto para bigyan tayo ng appropriate na pagpapaliwanag kung paano ito,” ani Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na posibleng magpapalabas ng paliwanag ang DOH tungkol sa nasabing artikulo sa isang linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na dapat ay hindi kaagad paniwalaan ang mga kahalintulad na artikulo.

Aniya, kailangang sapat na silang ebidensiya bago magbigay ng rekomendasyon sa mga mamamayan.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with