Hirit ng UP-OCTA: GCQ sa Metro Manila palawigin hanggang Disyemre 31
Ayon kay UP Professor Guido David ng OCTA Research Team, kailangang mapalawig ng hanggang sa katapusaan ng Disyembre ang GCQ sa Kalakhang Maynila dahil hindi pa ito handa sa inaasahang pagre-relax sa quarantine dahil may mga indikasyon pa ng pagtaas ng kaso rito.
AFP/Ted Aljibe

Hirit ng UP-OCTA: GCQ sa Metro Manila palawigin hanggang Disyemre 31

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa may indikasyon ng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nais ng OCTA Research team na ma-extend o mapalawig pa ang pinaiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang Dsiyembre 31 ng taong ito.

Ayon kay UP Professor Guido David ng OCTA Research Team, kailangang mapalawig ng hanggang sa katapusaan ng Disyembre ang GCQ sa Kalakhang Maynila dahil hindi pa ito handa sa inaasahang pagre-relax sa quarantine dahil may mga indikasyon pa ng pagtaas ng kaso rito.

Sinabi ni David na may 15 porsyento ang itinaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila o nasa 400 mula sa 350 noong nakaraang linggo.

Sinabi ni David na ang pagtaas ng kaso ay maaaring dulot ng pagtaas ng paggalaw, community transmission, o ng  backlog sa COVID-19 testing.

Aniya, malamang na tumaas ang kaso ng Covid-19 kung luluwagan ang restriksyon sa MMLA.

Una nang nagdesisyon ang Metro Manila mayors na palawigin ang implementasyon ng GCQ sa National Capital Region (NCR) ng hanggang matapos ang 2020.

Inaasahang maglalabas ng panibagong desis­yon ang Malacañang sa quarantine status ng bansa bago magtapos ang Nobyembre 30.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with