^

Police Metro

DOH: Christmas party, reunion at buffet style iwasan muna

Ludy Bermudo - Pang-masa
DOH: Christmas party, reunion at buffet style iwasan muna
“‘Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon... ‘wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this co­ming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky at maaring magdulot ng pagtaas uli ng kaso sa ating bansa,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.
The STAR/Miguel de Guzman, file

Habang may pandemya

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan laban sa CO­VID-19, nagpaalala kahapon ang Department of Health (DOH) sa publiko na kung magdaraos ng Christmas party ay gawin na lang ito sa sariling bahay at huwag nang mag-imbita ng bisita o kaanak na taga-ibang lugar.

“‘Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon... ‘wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this co­ming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky at maaring magdulot ng pagtaas uli ng kaso sa ating bansa,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Kahit aniya, sa bahay lamang ang party, dapat pa ring sundin ang minimum health protocols at physical distance. Hindi rin umano dapat na gawing buffet style ang kainan.

Dapat aniyang panatilihin ang social distancing at iwasan ang mga buffets styles na kainan. Mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng ventilated na lugar.

Samantala, pinayuhan din ni Vergeire ang local at national government agencies na huwag munang magsagawa ng outreach programs na lilikha ng pagtitipun-tipon ng mga tao at kung hindi naman maiiwasan, dapat sundin ang mahigpit na physical distancing, pagsusuot ng face masks at shields at limitahan lang ang bilang ng tao  sa o pagdarausan ng aktibidad.

Una nang nagpahayag si Vergeire na sa well-ventilated areas o open spaces idaos ang selebrasyon ngayong holiday season bagama’t hanggang 10 katao lang ang pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim sa general community quarantine (GCQ) at 50 katao naman sa MGCQ areas. - Malou Escudero

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with