Health care workers nagsagawa ng Black Friday protest sa tapat ng PGH

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang maibigay ang kanilang hazard pay at risk allowance ngayong panahon ng pandemya ay muling kinalampag  ng grupo ng mga health care worker  ang gobyerno.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng Black Friday protest ng nasabing grupo sa tapat ng Philippine General Hospital.

Dala ang kanilang banner na kung saan ay nakasaad ang kanilang mga saloobin at hinaing na kung saan ay may sticker din na nakadikit sa kanilang suot na face shiled na may katagang “demoted, malungkot, umasa, pagod, galit at iba pa” na kanila umanong kasalukuyang nararamdaman dahil sa tila pagbalewala sa kanila.

Hinaing ng mga ito na apektado sila sa hindi pagkakaloob ng COVID- 19 Hazard Pay at SRA, at delayed na sahod ang mga government at private health workers gaya ng nurses at mga doktor kaya hinahanap nila ang pondong inilaan para sa kanila ngayong panahon ng pandemya.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with