Pulis, 3 pa timbog sa drug bust

Danilo Garcia (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na lalaki kabilang ang isang pulis na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang  sina Edmund Jan Bautista, 33, nagpakilalang miyembro ng Special Action Force (SAF) Batch 2017, at residente ng Barangka Drive, Mandaluyong City; Rodolfo Sumo, 46, ng Brgy.Tejeros, Makati; Julius Sacayan, 34, ng A Dapo St., Pandacan, Maynila; at Richard Denosa, 18, ng Brgy. Tejeros, Makati. Habang nakatakas ang isa pa nilang kasama na kinilala sa pangalang Dennis Nevado, alyas Toto Diokno.

Sa ulat ng MPD-District Anti-Illegal Drugs Division, isang operasyon ang nagturo sa kanila sa pinagmumulan ng suplay ng iligal na droga sa San Andres Bukid, Maynila na natunton sa grupo ng mga suspek na nag-ooperate sa Brgy. Tejeros sa Makati City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa isang compound sa Montojo St., ng nasabing barangay at nakabili ang isang pulis na nagpanggap na buyer dahilan para salakayin ang lugar at masakote ang apat na suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 8.22 gramo ng hihininalang shabu namay halagang P55,896 at ang P500 marked money na ginamit sa buy bust.

DRUG BUST SAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with